No. 6 Most Wanted sa child abuse sa Rizal, tiklo!

No. 6 Most Wanted sa child abuse sa Rizal, tiklo!

May 6, 2022 @ 5:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiklo ang isang lalaki na tinaguriang No. 6 most wanted sa kasong act of Lasciviousness at child abuse sa lalawigan ang nadakip ng mga operatiba sa Tanay Rizal. 

Sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director P /Col. Dominic Baccay kay PRO4A-regional director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala ang nadakip na, si CESAR SAÑO FULGUERAS, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy., Sampaloc, Tanay Rizal. 

Dakong alas-5:40 ng hapon nitong Biyernes, naaresto ng magkasanib na puwersa ng Tanay PNP at Regional Intelligence Unit(RIU) laban sa mga wanted ang suspek sa kanyang tahanan. 

Bitbit ng grupo ang warrant of arrest na inilabas ni Hon. Yancy SN San Juan ng RTC Branch-159 Morong Rizal na may petsang April 28 ng kasalukuyang taon. 

Nakasaad sa, warrant may kaso ang suspek ng paglabag sa Act of Lasciviousness and relation to RA7610 o child abuse ng 3 counts at pinapaglagak ng piyansang P200, 000.00 bawat isa. 

Dagdag naman ni P/LT. Mariesol Tactaquin, Rizal PNP Chief, Public Information Officer (PIO) ang operasyon ng grupo ay recorded ng Alternative Recording Device (ARD) para tiyakin na hindi malabag ang karapatan ng akusado. Rene Tubongbanua