No. 7 most wanted ng Las Piñas tiklo sa warrant

No. 7 most wanted ng Las Piñas tiklo sa warrant

September 30, 2022 @ 12:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Las Pinas City Police Station (CPS) ang isang 39-taong-gulang na babae na tinaguriang No. 7 most wanted person sa lungsod.

Kinilala ni Las Piñas police chief P/Col. Jaime Santos ang suspect na si Gemma Tuliao na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police.

Ayon kay Santos, naisagawa ang pag-aresto sa suspect ng mga miyembro ng WSS sa kahabaan ng Soyuz St., Moonwalk Village, Barangay Talon 5, Las Piñas City.

Naisakatuparan ang pag-aresto laban kay Tuliao sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nitong Setyembre 7 ni Judge Vilma Tumaliuan of Pauig Regional Trial Court, 2nd Judicial Region Branch 2, Tuguegarao, Cagayan City dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kasabay ng inilabas na kautusan ni Tumaliuan ay kabilang dito ang kanyang rekomendasyon sa pagbabayad ng piyansa sa halagang P48,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspect.

Dagdag pa ni Santos na sa isinagawang imbestigasyon ay inamin ni Tuliao na nag-post siya ng masasamang salita laban sa taong may utang sa kanya ngunit hindi niya alam na siya pala ay sinampahan na ng kasong cyber libel. James I. Catapusan