No.9 TMWP sa Cagayan Valley timbog sa rape

No.9 TMWP sa Cagayan Valley timbog sa rape

May 29, 2022 @ 3:23 PM 1 month ago


SANTIAGO CITY – Himas rehas ang isang mister na akusado sa dalawang beses na pangagahasa na nasa #9 Top Most Wanted Person o TMWP sa Region 2 matapos na maaresto ng Criminal Investigation and Detection Group-City Field Unit o CIDG-CFU sa Brgy. Rosario, Santiago City, Isabela.

Kinilala ni PMaj. Arnel Talattad, Team Leader ng CIDG-CFU ang akusadong si Jhonny Sapuay y Ruiz, alyas Juanito Sapuay, 42 anyos na residente ng Brgy. Dumawing, Jones, Isabela.

Sa isinagawang manhunt operation laban sa akusado na may Alias Warrant of Arrest na panggagahasa o rape (2 counts) docketed under criminal case # 36-8365 dated December 16, 2015 at Warrant of Arrest with criminal case # 36-8366 dated March 3, 2014 na inisyu ni Hon. Anastacio D Anghad, Presiding Judge, RTC, SJR, Branch 36, Santiago City, Isabela na walang kaukulang piyansa.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Talattad ay bilang bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya sa ‘Oplan Pagtugis’ na nasa #9 TMWP regional level ng WCPD na may kaugnay sa CIACO with approved pre-operation clearance number. 2022-05-37-234.

Dahil dito, pinuri ni PCol. Erwin Dayag, Regional Chief ng CIDG-RFU 2 ang pamunuan ni PMaj. Talattad sa matagumpay na operation para mabigyan ng hustisya ang biktima at maprotektahan ang kapakanan ng mga kababaihan.

Pansamantala nasa kustodiya ng otoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco