“No audience” ipinatupad sa Tokyo Olympics

“No audience” ipinatupad sa Tokyo Olympics

July 9, 2021 @ 10:56 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Japan, nagdesisyon ang organizers ng Tokyo Olympics na tuluyan nang ipagbawal ang manonood.

Ito ang naging anunsyo ni Olympics Minister Tamayo Marukawa matapos ang ginawang pakikipagpulong sa ilang opisyal at organizers.

Ayon sa ulat, isasailalim sa state of emergency ang Tokyo mula Hulyo 12 hanggang Agosto 22 upang maiwasan ang COVID-19 outbreak sa bansa lalo pa at patuloy ang pagdating ng mga foreign athlete na sasabak sa Olympics.

Sa ilalim ng “State of Emergency,” bawal na magtinda ng alak ang bars at restaurant.

Matatandaang maraming mamamayan ng Japan ang humiling na kanselahin ang Olympics dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo at may bagong mababangis na strain ang lumalabas gaya ng Delta variant na lubhang mabilis makahawa.

Ikinalungkot naman ni Japanese President Seiko Hashimoto ang pangyayari na walang audience na makapapasok sa Olympics sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng palaro.

Agad namang humingi ng paumanhin sa mga nakabili ng ticket para manood ng personal ng Olympics ang organizers. JC