‘No booster card, no entry’ tinabla ni Salvana

‘No booster card, no entry’ tinabla ni Salvana

February 3, 2022 @ 2:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines — Hindi pinaburan ng isang opisyal ang “no booster card, no entry” proposal dahil sa mahihirapan itong maipatupad dahil marami pa ang hindi bakunado.

 “Well, unang-una, malayo pa tayo talaga du’n sa mabo-boost natin lahat ng tao sa ngayon kasi marami pa rin namang hindi nabibigyan nung vaccination ‘yung tinatawag natin na primary series,” ani Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Department of Health-Technical Advisory Group sa Laging Handa briefing.

Maaalalang naunang iminungkahi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion earlier na dapat nang hingiin ng mga establisimbyento sa Metro Manila ang booster shots pagdating ng Marso o Abril.

Punto pa ni Salvana, dapat pagtuunan ng gobyerno ang pagtuturok ng primary dose ng COVID vaccines.

 “So, I think na mahirap gawin ‘yun kasi masyadong maraming tao ang hindi pa natin nabo-boost and of course, we want to make sure the focus remains on the people na hindi pa nababakunahan,” paliwanag nito.

“‘Pag mag-e-endemic mindset tayo, katulad ng ginawa ng Denmark, at some point, hindi mo na kakailanganin mag-present nitong mga vaccine cards and other things, even wearing a mask. Pero malayo pa ‘yun sa ngayon kasi dahan-dahan nga tayo nagluluwag.” RNT/FGDC