No-El ni Alvarez last straw kaya napataksik – Rep. Atienza

No-El ni Alvarez last straw kaya napataksik – Rep. Atienza

July 23, 2018 @ 7:38 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Noon pa man ay batid na ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may panawagan na patalsikin sya sa pwesto subalit ang ipinalulutang nitong No-election sa 2019 ang syang naging last straw upang tuluyan nang palitan sa pwesto.

Ayon kay Buhay Partlylist Rep Lito Atienza hindi kudeta ang nangyari sa Kamara nang ihalal si Pampanga Rep Gloria Macapagal Arroyo kundi “frontal demand of the body to be heard”.

“It was not a kudeta. The body wanted an election for a change in leadership. It was not a suprise thing, he had it coming,” pahayag ni Atienza.

Aminado si Atienza na ang pagpapalit ng liderato ay dahil nais ng mga mambabatas ng “common respect” at hindi kagaya ng pamumuno ni Atienza na puro pansarili lamang na kadalasan ay nakakasira sa imahe ng Kamara.

“He’s been talking about himself and damaging the image of the whole body. He’s talking about No-El but that was not taken up by the body, the body doesn’t agrree to it. We believe that election should be held,” dagdag pa ni Atienza.

Tinuring din ni Atienza na asal bata ang ginawa ng House leadership na tinago ang House Mace at tinanggalan ng audio ang plenaryo.

“That’s not the way to handle a question in leadership”ani Atienza.

Pinayuhan pa ni Atienza si Alvarez na tanggapin na ang kanyang  naging kapalaran.

“If the body doesnt like you anymore thats it, its time to call ot quits accept the change”dagdag pa ni Atienza kung saan umapela pa ito sa House Speaker  na magisip at magdasal.

“Pray over it, talk with his family and pray for guidance. Mag-isip sya teka muna ayaw na nila sa akin” giit pa ni Atienza kung saan wala na umanong.magagawa pa si Alvarez dahil mayorya na ang nagsalita. (Gail Mendoza)