No-El Scenario, binasura ni SGMA

No-El Scenario, binasura ni SGMA

July 31, 2018 @ 4:59 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Kinumpirma ito nina Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez at Nueva Ecija Rep. Magnolia Antonino sa isang press conference.

Humarap sa media ang dalawang mambabatas sa atas na rin ni GMA upang tapusin ang isyu ng no-el scenario.

Ang totoo ayon kay Benitez ay sinabi ni GMA na “they will work hand in hand with the Senate and find a common ground and move forward for the approval of federal constitution.”

Nauna ng kinumpirma sa 2019 budget hearing ng House Committee on Appropriations ni Budget Secretary Benjamin Diokno na tuloy ang eleksyon sa susunod na taon.

Tugon ito ni Diokno sa kwestyon ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., kasunod ng kumakalat na diumano’y no-el scenario sa ilalim ng Pederalismo.

Giit ni Diokno na hindi nila pinag-uusapan ang no-election scenario.

Aniya, P7 bilyong piso na ang nakalaan sa ilalim ng 2019 budget para sa pagdaraos ng 2019 midterm elections.

Sinabi pa ni Diokno na sa 2018 budget ay umabot sa sa P11 bilyon ang nakalaan para sa preperasyon ng paparating na halalan.

Umaasa si Andaya na sapat na ito para humupa ang pangamba na hindi matutuloy ang halalan sa 2019.

“May pondo para sa national election in 2019. ‘Yan ay nasa submitted budget ng Pangulo. So the President’s budget is an anti-NO-EL budget,” ani Andaya.

Sinasabing ang pagpapalutang ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang dahilan kung bakit siya kinudeta ng kapwa mambabatas na ayaw sa ideya ng no-el. (Meliza Maluntag)