“No face shield,” ‘di pa oras; mga nabakunahan konti pa – Duque

“No face shield,” ‘di pa oras; mga nabakunahan konti pa – Duque

June 3, 2021 @ 11:25 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, Huwebes, na masyado pang maaga para bawiin ang polisiya na pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa health chief na mababa pa rin kasi ang bilang ng nababakunahan kontra COVID-19 sa bansa.

Ang komento ni Duque ay kasunod ng panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno na ‘wag nang gawing mandatoryo ang pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay.

“Okay [ang] mungkahi ni Mayor Isko kung malaki na vaccination coverage natin,” ani Duque sa mensahe sa GMA News.

“Hindi pa pwedeng tanggalin ang face shield policy for now when our two-dose vaccination coverage is a little over 2% due to still inadequate vaccine supply,” giit  pa niya.

Hanggang Mayo 30, umaabot pa lang sa 3.9 milyong Filipino ang nabakukunahan laban sa COVID-19. Malayo pa sa target na 58 milyong indibidwal sa mga COVID-19 hotspots hanggang Nobyembre.

Nauna nang ginawang sapilitan ng inter-agency COVID-19 task force  ang pagususot ng face shield sa pampublikong lugar noong Disyembre 2020.

Ani Duque, ito ay base sa siyensya.

“There are many scientific studies showing that face shields in combination with face masks and more than 1 meter social distancing provide a greater than 95% protection,” aniya pa. RNT