No gift policy sa holiday season, ipinaalala sa gov’t employees

No gift policy sa holiday season, ipinaalala sa gov’t employees

November 19, 2022 @ 3:22 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng mga government officials at employedo kaugnay ng umiiral na “no gift policy” lalo na sa papalapit na Kapaskuhan.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, may tatlong batas na nagbabawal sa pagtanggap o paghingi ng sinumang empleyado ng gobyerno ng regalo, serbisyo o iba pang pabor mula sa publiko.

Ito ay ang Presidential Decree no. 46: “it is believed necessary to put more teeth to existing laws and regulations to wipe out all conceivable forms of graft and corruption in the public service, the members of which should not only be honest but above suspicion and reproach.”

Kasama din dito ang Republic Acts 6713 at 3019 na nagbabawal sa paghingi o pagtanggap ng regalo.

Dagdag pa rito, sinabi rin ni Lizada na ang soliciation ay mahigpit ding ipinagbabawal.

“Sa mga heads of agencies be good examples wag po kayong magsosolicit kayo, ‘yung division chief niyo magso-solicit lahat ay magso-solicit. Sabihan niyo ho sa baba na kung may magpadala ng regalo ay no gift policy kayo so wag na ho hirap mga tao, hirap mag negosyo at hirap mga operators wag na po dagdagan ang cause of doing business nila,” aniya.

“Gusto n’yo bang mapreso sa Pasko? When in government service ‘yung ating pagseserbisyo walang kapalit we are servicing the public,” dagdag pa ni Lizada. RNT/JGC