Unang COVID vax dumating na sa Taiwan

March 3, 2021 @5:15 PM
Views:
29
Taiwan – Dumating na ang unang batch ng COVID-19 vaccines sa Taiwan, batay sa health minister nito.
Tinatayang 117,000 doses ng AstraZeneca Plc vaccines ang lumapag sa Taipei’s main international airport, base kay Chen Shih-chung.
“Every country is stockpiling. We of course welcome what was sent to us,” saad ni Chen.
Noong nakaraang buwan lamang ng ibigay ng gobyerno nila ang emergency-use authorization para sa AstraZeneca. RNT/FGDC
Pagkamatay ng 2 tao sa AstraZeneca COVID vax iniimbestigahan na ng SoKor – KDCA

March 3, 2021 @5:00 PM
Views:
49
South Korea – Iniimbestigahan na ng mga awtoridad mula sa South Korea ang pagkamatay ng dalawang indibidwal na umano’y sinasabing nasawi ilang araw makalipas nang turukan ng AstraZeneca’s COVID-19 vaccine.
Sinabing 63-anyos na pasyenteng may cerebrovascular disease ang nakaranas ng sintomas tulad ng high fever, batay sa report ng Yonhap news agency.
Gayundin ang isa pang nasa edad 50 na may cardiac disorder at diabetes ang nakaranas ng multiple heart attacks.
Sinabi ng opisyal mula sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) sa Reuters na iniimbestigahan na nila ang naturang pagkamatay. RNT/FGDC
Financial capacity ng DITO kinwestyon ni Hontiveros

March 3, 2021 @12:30 PM
Views:
13
KINWESTYON ni Senadora Risa Hontiveros ang pinansyal na kapasidad ng DITO Telecommunity Corporation na makapag-operate bilang third telco player sa bansa sa harap ng mga ulat ng malaking pagkakautang nito.
Ayon kay Hontiveros, dapat silipin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pinansyal na kapasidad ng DITO na ipagkaloob ang serbisyong iaalok nito sa publiko.
“National Telecommunications Commission should also look into the financial capacity of DITO to provide the services it will be offering to the public,” pahayag ni Hontiveros.
Aniya, dapat mawala nang tuluyan ang mga pagdududang ito bago mag-operate ang DITO.
“After all, this is standard procedure on the part of the NTC with respect to the issuance of any provisional authority or certificate of authority to operate as a telecommunications entity. Hindi lang technical audit ang dapat ginagawa, pati financial audit din,” pagbibigay-diin pa ng senadora.
Nauna nang napaulat na sa kasalukuyan, ang DITO at ang parent company nito na Udenna Group ay mayroon lamang P20 billion na equity laban sa P150 billion na utang.
Samantala, iginiit ni Hontiveros na Chinese identity ang totoong nasa likod ng DITO kung kaya banta pa rin sa pambansang seguridad ang nasabing telco.
“Our compatriots who speak on DITO’s behalf before the media are really just a Filipino mask over a Chinese identity. Kaya maliban sa pagkuwestiyon sa financial capability ng Dito, ang banta nito sa pambansang seguridad natin ang dapat ding bigyang-diin at linaw,” ayon pa sa senadora.
“Additionally, the 60% of the company nominally owned by Filipinos is just a thin shell covering the bulk of the Chinese capital powering the project. And that is what gives the Communist Party of China, through its state-run enterprise ChinaTel, the power and leverage to call the shots in Dito’s day-to-day operations,” dagdag pa niya.
Ang DITO ay magsisimulang mag-operate sa Marso 8.
Taiwanese na ibinenta sa POGO company nasagip

March 3, 2021 @10:11 AM
Views:
60
Manila, Philippines – Nasagip ng pulisya ang isang Taiwanese na biktima ng pandurukot at pagbebenta sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) company.
Ayon sa Philippine National Police, nagpadala ng reklamo ang isang kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) police attachè ng Taiwan Embassy na dinukot ang isang Taiwanese sa Makati City nitong Lunes.
Anila, nakipag-ugnayan ang biktima sa pamamagitan ng text message.
Natunton ang biktima sa isang gusali sa Parañaque City umaga ng Martes.
Walang kasama ang biktima nang masagip ito ng mga pulis.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nag-aaplay sa isang trabaho ang biktima nitong Pebrero 26 sa isang Chinese company sa pamamagitan ng mobile app.
Napagkasunduang 13,000 RMB ang sweldo at sa parehas na araw ay sinundo ang biktima ng isang Pinoy na driver at Chinese na umano’y empleyado ng nasabing kompanya.
Dinala ang biktima sa isang hotel sa Pasay City upang mag-quarantine at sinundo ng mga Chinese matapos ang dalawang araw upang dalhin sa Las Piñas.
Lahad ng biktima na ibebenta siya sa halagang 30,000 RMB para sa isang POGO company.
Ibinenta muli ito nitong Marso 1 sa isang pang kompanya ng POGO sa parehas na halaga.
Natuklasan din ng pulisya na ang palapag kung saan natagpuan ang biktima ay isolation facility ng naturang POGO company para sa mga tauhan nito. RNT/ELM
Pinas nanawagang palayain na si Suu Kyi

March 3, 2021 @7:21 AM
Views:
69