‘No permit, no exam policy’ sa paaralan, lulusawin ng Senado

‘No permit, no exam policy’ sa paaralan, lulusawin ng Senado

February 23, 2023 @ 10:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Chiz Escudero sa Senado na kaagad ipasa ang panukalang Senate Bill No. 1359 na nagbabawal sa patakarang “no permit, no exam” sa lahat ng educational institution na nakikita nitong pinakamalupit na multa na ipinapataw sa estudyante.

Ayon kay Escudero, pangunahing awtor ng SB 1359 o ang “Act prohibiting the no permit no exam policy” na base sa committee report, ipinagbabawal din ang imposisyon ng anumang patakaran na hahadlang sa estudyante na makapag-enrol sa alinmang pampubliko o pribadong paaralan kapag may utang ang mag-aaral.

“As per committee report No. 6, also prohibits the imposition of any policy that prevents students enrolled in public or private schools from taking examinations or any form of educational assessment for reasons of outstanding financial or property obligations such as unpaid tuition and other school fees,” aniya pa.

“By any moral yardstick, forcing a student to forfeit an exam is the cruelest of fines. It triggers a chain of events that is sometimes life-altering for the student, for the worse, not only of denied diplomas but also of dead dreams,” dagdag ni Escudero sa kanyang sponsorship speech.

Sinabi ni Escudero na nakatakda sa Section 6 ng panukala ang mga sumusunod na ipagbabawal:

  • requiring any student to secure a permit to take an examination or any form of education assessment from the school authorities prior to the administration of such examination or assessment;

  • compelling any student or his or her parents or legal guardians to pay a portion of the outstanding financial or property obligations prior to the administration of any examination or assessment;

  • or imposing fines, penalties or interests on outstanding financial or property obligations in excess of the prescribed maximum interest.”

“Under Section 4 of the proposed measure, it states that unless waived by the educational institutions concerned, the outstanding financial or property obligations shall bear an interest rate not exceeding six percent per annum computed from the date of the examination taken by the students until the date when such obligations are paid,” paliwanag ng panukala.

Hindi papatawan ng parusa ang sinumang guro sakaling labagin ang probisyon ng batas kundi ang school management ang mananagot na may multang mula P20,000 hanggang P50,000 sa bawat paglabag.

Nilinaw naman ni Escudero na hindi pinatatawad ng panukalang batas ang pagkakautang sa pagbabayad ng matrikula at hindi nito binubura ang utang ng estudyante sa paaralan.

“It only calls for the deferment of its payment while the student is allowed to take the examination,” ayon kay Escudero.

Bilang garantiya na mababayaran ang utang, pinapayagan ang paaralan na pigilin ang pagpapalabas o pag-isyu ng grades, diploma o sertipiko at hindi mag-isyu ng kinailangang clearance o tanggihan sa pag-eenroll. Ernie Reyes