No-testing rule sa mga turista tinutulan ng OCTA

No-testing rule sa mga turista tinutulan ng OCTA

February 23, 2021 @ 5:04 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinutulan ng OCTA Research ang pag-alis ng coronavirus disease (COVID-19) testing sa mga turista ng mga lokal na pamahalaan.

“Kahit anong lalawigan o siyudad, kailangan talaga natin ng testing … dahil marami sa kababayan natin ay asymptomatic,” giit ni Dr. Butch Ong sa isang briefing.

“Iyong paglipat ng isang tao from one area to another na asymptomatic could become a problem kapag mataas ang viral load ng traveler na iyon,” dagdag ni Ong.

Kamakailan, inalis ng pamahalaan ng Cebu ang swab test bilang requirement sa pagpasok sa probinsya.

Batay sa executive order ni Cebu Governor Gwen Garcia, kinakailangan na lamang ng medical certificate upang makapasok sa probinsya kasama ang pre-booking sa mga resort o hotel na accredited ng provincial task force pati na pagpasa sa health screening.

Una nang kinakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang Cebu kung saan may 1.5 ang reproduction rate dito habang 15 porsyento ang positivity rate.

Sa kasalukuyan, sapat pa ang kapasidad ng mga ospital sa probinsya para sa mga COVID-19 patients. RNT/ELM


  •  
  •  
  •