‘No uniform policy’ sa gitna ng krisis sa tubig, ok sa DepEd

‘No uniform policy’ sa gitna ng krisis sa tubig, ok sa DepEd

March 14, 2019 @ 6:31 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Dahil sa problema sa pagligo bunsod ng kawalan ng suplay ng tubig, payag ang Department of Education (DepEd) na pansamantalang pumasok ng hindi nakauniporme ang mga mag-aaral at guro sa public elementary at high schools na apektado ng kawalan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay DepEd Undersecretary Anne Sevilla, na bukas sila sa ganitong suhestyon at nauunawan nila ang sitwasyon ng mga bata at guro na apektado ng water crisis sa ilang bahagi ng National Capital Region (NCR). 

“We are flexible so that classes will still continue and for humanitarian reasons. We understand that water supply should be maximized and utilized for more relevant uses such as for food, hygiene,” aniya sa isang panayam. 

Pwede rin naman itong ipatupad ng mga pribadong eskuwelahan, dagdag pa ng kalihim. Remate News Team