No vaccine, no alak, no marihuwana

No vaccine, no alak, no marihuwana

January 14, 2022 @ 4:34 PM 1 week ago


CANADA – Mahigpit nang ipinagbabawal sa Quebec sa bansang ito ang pagbili ng alak at marihuwana ng mga hindi bakunado laban sa COVID-19.

Pagmumultahin na rin ang mga hindi bakunado ng malaking halaga upang maging kontribusyon nila sa ginagamit ng pamahalaan na pondo sa panggagamot sa mga nagkaka-COVID, pasahod sa mga doktor, nars at iba pang health worker at pangangailangan ng mga ospital.

Gayunman, hindi pa inilalabas ang kabuuang halaga ng multa sa mga hindi bakunado.

Makaraan namang ianunsyo ng lokal na pamahaan ng Quebec ang patakaran na bawal na sa mga hindi bakunado ang bumili ng alak ang marijuana, biglang dumami ang mga nagpapabakuna mula sa 1,500 kada araw sa 6,000.

Dahil dito, pinasalamatan na rin ni Quebec Health Minister Christian Dubé ang mga nagpapabakuna at sinabihang hindi pa huli upang maprotektahan ang mga ito sa pagkakasakit at kamatayan.

Inaatake ng Omicron variant ang nasabing bansa at ito na umano ang nangungunang variant sa buong bansa. RNT