“No vaccine, no entry” ikakasa sa Caloocan cemeteries

“No vaccine, no entry” ikakasa sa Caloocan cemeteries

October 21, 2022 @ 8:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ang gobyerno ng Caloocan ng “no vaccine, no entry” policy sa mga sementeryo ng lungsod para sa Undas 2023.

Dahil dito, inabisuhan ang mga pupunta sa sementeryo na dapat magpakita ng kanilang mga COVID vaccination card na nagpapakitang sila ay ganap na na-inoculate, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Caloocan LGU na ang mga may temperatura ng katawan na mas mataas sa 37.5 degrees Celsius ay hindi na papayagang makapasok sa sementeryo.

Bukas ang mga sementeryo sa Caloocan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. mula Nob. 1 hanggang 2.

Sa nakalipas na dalawang taon, ipinasara ng gobyerno ang mga sementeryo noong Undas para maiwasan ang mga mass gatherings at pagkalat ng COVID-19. RNT