‘No vax, no entry’ sa ilang probinsya ikinasa ng ilang gobernador- LPP

‘No vax, no entry’ sa ilang probinsya ikinasa ng ilang gobernador- LPP

January 14, 2022 @ 4:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Ilang gobernador ang nagpatupad ng “no vaccination, no entry” policy sa mga probinsya sa patuloy na paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas, ayon sa League of Provinces of the Philippines (LPP) nitong Biyernes.

Inihayag ni President Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. na ilamh probinsya lamang ang nagpapapasok ng mga hindi bakunadong indibidwal kapag may naipakitang negatibong resulta ng RT-PCR test.

“May mga numero kami ng mga gobernador na nag-impose na ng ‘no vax, no entry,’ yan ang policy,” aniya.

“Marami nang gumagawa sa amin nyan,” dagdag pa ni Velasco.

Subalit hindi na niya binanggit kung saang mga probinsya umiiral ang naturang polisiya. RNT/SA