‘No vax, no ride’ ideklarang ‘unconstitutional’
February 24, 2022 @ 7:00 AM
4 months ago
Views:
278
Remate Online2022-02-24T18:12:48+08:00
MANILA, Philippines – Hiniling ngayon ng PASAHERO Partylist sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang ipinatutupad na “no vaccination, no ride” policy ng gobyerno, gayundin ang iba pang government measures na nagpapakita ng diskrimasyon sa mga Pilipinong hindi bakunado laban sa COVID-19.
Isinasaad ng “no vaccination, no ride” policy na nakapaloob sa Department Order No. 2022-001 ng Department of Transportation (DOTr), ang pagbabawal sa mga unvaccinated individual na sumakay sa mga pampublikong transportasyon tulad ng jeep, taxi, bus, sea ferry at commercial plane, papasok at palabras ng National Capital Region (NCR).
Sa 41-page petition ng PASAHERO, binigyang-diin nila na labag sa constitutional right ng mga ordinaryong Pilipino ang kautusang ito ng DOTr sapagkat may kalayaan ang bawat isa na mamili kung dapat ba silang magpabakuna o hindi.
Kinastigo rin ng PASAHERO ang iba pang resolusyong ipinatutupad ng gobyerno, partikular ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA. Ayons a partylist group, malinaw na may diskriminasyon sa mga resolusyong ito.
Tinutukoy ng grupo ang IATF Resolution No. 146-B series of 2021 at ang MMDA Resolution No. 22-01 Series of 2022.
Inilalahad ng IATF Resolution ang paghimok sa mga public at private establishment na huwag papasukin sa kani-kanilang establisimyento at huwag pagsilbihan ang mga taong hindi bakunado, maging ang mga indibidwal na hindi kumpleto ang bakuna. Sa MMDA resolution naman, pinagbabawalan ang lahat ng unvaccinated individuals na gumamit ng domestic public transportation sa loob at labas ng NCR kahit pa may may pinapasukang trabaho ito sa nasabing rehiyoln.
Kabilang sa mga respondent sa petisyon sina IATF Chair and Health Secretary Francisco Duque III, MMDA OIC chair Romando Artes at DOTr Secretary Arthur Tugade.
Isinulong ng PASAHERO ang naturang petisyon, bilang kinatawan ng mga Pilipinong lubhang apektado ng mga nabanggit na polisiya ng gobyerno.
“Ang kinakatawan namin sa PASAHERO ay ang mga ordinaryong Pilipinong mananakay na ang layunin ay makapagtrabaho para sa kani-kanilang pamilya. Pero dahil sa mga polisiyang ito na ipinatutupad ng MMDA Resolution 22-01 at ang DOTr D.O. 2022-001, napagdadamutan sila ng kanilang karapatang bumiyahe at makapagtrabaho dahil lamang sa hindi sila bakunado,” ayon pa sa grupo.
Dahil dito, hinimok ng PASAHERO ang Korte Suprema na magpatupad ng temporary restraining order at preliminary injuction na magpapatigil sa DOTr at sa MMDA sa pagpapatupad ng kanilang mga polisiya, habang hinihintay ang desisyon sa inihain nilang petisyon.
Sa kanilang petisyon, binigyang-diin ng PASAHERO na tuwirang paglabag sa karapatan at kalayaan ng mga mananakay ang mga polisiyang ito, base na rin sa isinasaad ng 1987 Constitution patungkol sa “right to travel”.
“Kahit sabihin pa nating ligtas ang bakuna at nakakatulong para maiwasan natin ang malalang epekto ng COVID, nasa tao pa rin ang karapatang mamili kung ano ang gusto niyang gamot o kung ano ang gusto niyang bakuna,” saad pa ng grupo.
Tahasang tinawag na “unconstitutional at patent nullity” ng grupo ang mga naturang kautusan dahil sa tuwirang paglabag sa Article III. Sec. 1 ng Konstitusyon dahil sa pagtanggal sa karapatang bumiyahe ng mga mananakay nang walang mandato ng batas.
Paliwanag pa ng grupo, dahil wala namang partikular na batas na nag-aatas sa lahat na magpabakuna, hindi makatarungan ang ipinatutupad na “no vaccination, no ride” ng gobyerno.
Liban sa malinaw na paglabag ito sa karapatan at kalayaan ng isang mananakay, malaking paglabag din ito sa sa Konstitusyon, partikular sa Article III, Sec. 6 ng 1987 Constitution na nagsasabing “neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law.” RNT
June 28, 2022 @8:00 PM
Views:
41
Manila, Philippines – It’s confirmed!
Ang TV host na si Toni Gonzaga na nga ang kakanta ng Philippine National Anthem sa inauguration ng President-elect Bongbong Marcos as the 17th president of the Philippines on June 30 sa National Museum.
Sabi pa sa report, si Chris Villonco naman ang kakanta ng inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.
Ayon pa kay Franz Imperial, member ng preparation committee, ang magaganap na inauguration ay solemn and simple.
“The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,” sabi ni Fritz.
Ang oath-taking ni President-elect BBM ay ia-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo. Joey Sarmiento
June 28, 2022 @7:45 PM
Views:
38
Manila, Philippines – May binitiwang pangako ang ngayo’y Pasig City Councilor na si Angelu de Leon.
Sana lang, mapangatawanan niya na hindi na raw siya gagawa ng mga teleserye o pelikula hangga’t nasa puwesto.
Angelu got the highest number of votes sa pagka-konsehal to think na unang sabak pa lang niya sa local politics.
Hindi naman nangiming aminin ni Angelu na kailangan din naman niyang kumita.
Pero tama na raw sa kanya ang mga guest appearances, hindi ‘yung showbiz work that requires long hours.
Iro raw ang self-commitment niya para sa Pasig City.
Aminado si Angelu na siya mismo ang lumapit at nag-apply bilang kandidato sa puwesto sa ilalim ng partidong kinabibilangan ng muling nanalong mayor na si Vico Sotto.
At bahagi nga ng kanyang pangako ay tumutok sa mga pangunahing isyu sa siyudad.
Wish ng marami’y tuparin ni Angelu ang pangakong binitiwan.
Ikinalungkot naman ng political greenhorn na ang katambal niya dati na si Bobby Andrews ay natalo sa pareho ring puwesto.
Ani Angelu, marami raw magagawa si Bobby had he won.
Pero may susunod pa naman daw eleksyon. Ronnie Carrasco III
June 28, 2022 @7:30 PM
Views:
34
Manila, Philippines – Just a day after Rita Daniella announced that she is pregnant, bumuhos ang tanong sa social media, “Sino ang ama?”
A lot of RitKen fans were hoping that it was Ken Chan who impregnated Rita pero aside from the latter denying it and telling people that it is a non-showbiz personality ay huminto na rin ang pag-asa ng fans.
Sa kabila ng mga hinala at tanong, nagbigay ng mensahe si Ken kay Rita sa pamamagitan ng isang tweet.
“To you and your baby, I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support, and love to surround you and your baby.
“As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I am so proud of you,” saad ni Ken sa kanyang tweet kasama ang photo ni Rita wearing a white dress, holding her baby bump.
Tinawag mang friend ni Ken si Rita, marami pa rin ang kinilig lalo’t bibihira ang ganitong uri ng friendship.
Naihalintulad pa nga ang dalawa sa relasyon nina Eric Santos at Angeline Quinto sa isa’t-isa.
Congrats, Rita.
For sure, like other celebrities, she is just waiting for the perfect time to introduce the father of her baby to the public.
Fans, be patient! Paula Jonabelle Ignacio
June 28, 2022 @7:15 PM
Views:
36
Seoul, South Korea – Nabulaga ang Crash Landing On You fans sa latest annoncement ng K-drama and real life couple na sina Hyun Bin at Son Yejin.
Magkaka-baby na kasi ang mag-asawa, three months after they got married.
Inanunsyo ito mismo ni Yejin sa kanyang Instagram account. She posted a photo of a plant with a flower and the caption went like this: “New life has come to us.
“Today, I’ll be careful and happy. A new life has come to us. I’m still shivering but I’m living it every day due to the changes in my body in the midst of worry and excitement.”
Obviously, iba ang excitement sa couple lalo na kay Yejin pero hindi nagpahuli sa pagkasabik ang fans.
They are all asking, “Kailan manganganak? Ilang months na si baby?”
Wala namang binanggit si Yejin tungkol dito pero mukhang kagaya ng pregnancy, they will announce it at the right time.
Unang nagkatrabaho sina Yejin at Hyun Bin sa 2018 crime film na The Negotiation, at mas lalong nakilala at sumikat when they reunite in 2019 sa Crash Landing on You. Paula Jonabelle Ignacio
June 28, 2022 @7:00 PM
Views:
56
MANILA, Philippines- Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang mandatoryong pisikal na resporting ng mga guro sa paaralan kahit na tapos na ang official school year calendar, at tinawag itong “new form of forced labor.”
Pinuna ng ACT Philippines nitong Martes ang Department of Education (DepEd) matapos makatanggap ng mga ulat mula sa educators sa buong bansa na patuloy pa rin silang pinapapasok sa mga paaralan kahit na tapos na ang school year calendar ng DepEd.
“DepEd is using its questionable Memorandum 43 series of 2022, issued last May 10 to justify this new form of forced labor. This memo essentially extended work for teachers for them to report to school,” ani ACT Philippines chairperson Vladimer Quetua.
Habang 197 sa 209 class days ang nagamit sa school year dahil sa deklarasyon ng 12-day health break, naniniwala ang mga guro na sapat na ito upang maabot ang kanilang learning at teaching objectives.
“If DepEd insists that there is exigency of service, there should be an order approved by the division that teachers are required to report and there should be additional compensation or service credit for them,” giit ni Quetua.
Batay sa kalendaryo ng DepEd, Hunyo 24 ang huling araw ng school year 2021-2022. RNT/SA