‘No vax, no ride’ policy dapat rebyuhin – IBP

‘No vax, no ride’ policy dapat rebyuhin – IBP

January 24, 2022 @ 3:15 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinalagan ng grupo ng mga abogado sa no vaccine, no ride policy’ ng Department of Transportation (DOTr) at ang ‘no vaccine-stay home policy’ ng ilang LGUs.

Umapela ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa gobyerno na rebyuhin ang mga nabangit na polisiya sa mga hindi bakunadong indibidual.

Iginiit ng IBP na kahit exempted sa mga polisiya ang mga indibidual na may religious belief, medical condition at trabaho, hindi ito sapat para makalusot sa mga kuwestiyong legal.

Ang ‘no vaccine, no ride policy’ at ‘no vaccine-stay home policy’ ay maituturing na paglabag sa  karapatan ng mga hindi bakunado sa ilalim ng Saligang Batas.

Paliwanag ng IBP, ang ‘no vax, no ride’ at stay home na mga polisiya sa mga unvaccinated ay naglilimita sa right to travel o movement ng mga ito.

Wala rin anilang malinaw na batas na pinagbasehan para ilimita ang galaw at magbigay kapangyarihan sa DOTr na higpitan ang kilos ng mga hindi bakunado. Teresa Tavares