‘No vax, no ride’ policy, exercise ng gov’t police power – DILG spox

‘No vax, no ride’ policy, exercise ng gov’t police power – DILG spox

January 26, 2022 @ 7:29 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kanilang ipatutupad na “no vax, no ride’’ policy simula Pebreo 26.

Depensa ng pamunuan, ito ay “valid exercise of the police power of the government.”

Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, ito ay gampanin ng Estado upang ma-promote ang public welfare.

Paglilinaw ni Malaya, ang mga may problema sa kalusugan at hindi maaaring mabakunahan ay hindi kasali sa pamantayan.

Paalala ni Malaya sa publiko, ang mga hindi pa bakunado ang mas lapitin ng COVID. RNT/FGDC