‘No vax, no ride’ policy pinaiimbestigahan ng solon

‘No vax, no ride’ policy pinaiimbestigahan ng solon

January 20, 2022 @ 3:07 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Inihain ang isang resolusyon ang inihain sa Kamara sa nagsusulong na imbestigahan ang kontrobersiyal na “no vaccination, no ride” policy na ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr).

Sa House Resolution no 2451 na inihain ni Gabriela Rep Arlene Brosas, iginiit nito na “discriminatory” at walang legal basis o scientific explanation ang polisiya ng DoTr.

“I urged the chamber’s committees on health and transportation to look into the order that prohibited unvaccinated individuals to access public transportation in Metro Manila while it is under Alert Level 3,” pahayag ni Brosas.

Iginiit ni Brosas na malinaw sa RA 11525 o COVID-19 Vaccination Act na ang vaccine cards ay hindi maaaring gawing  mandatory requirement para sa educational, employment at iba pang  government transaction purposes.

Tinuring din ng mambabatas na dagdag gastos pa ang plano ng DoTr na magtalaga ng “mystery riders” na magtitiyqk na naipapatupad ang no vax no ride policy.

Samantala, ilang kritiko naman ng polisiya ang umapela sa DoTr na payagan na makasakay ang mga pasahero na may first dose pa lamang. Gail Mendoza