‘No work, no pay’ sa health break suspendihin- teachers’ group

‘No work, no pay’ sa health break suspendihin- teachers’ group

January 17, 2022 @ 4:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng isang teachers’ group nitong Lunes ang Department of Labor and Employment (DOLE) na suspendihin ang implementasyon ng “no work, no pay” policysa mga paaralan, kasunod ng pagdedeklara ng “health breaks” dahil sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) cases.

Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Private Schools Secretary General Jonathan Geronimo na suportado ng kanyang grupo ang health breaks subalit iginiit na maraming school personnel, kagaya ng probationary teachers at contractual workers, ang haharap sa malaking bawas sa sweldo dahil sa “no work, no pay” policy.

“It is crucial that the employees are given the assurance that they will continue to be compensated even during the said break, given that the majority suffers from reduced workloads and a paycheck system that heavily depends on their rendered reporting hours,” pahayag ni Geronimo.

Nagpadala naman ang ACT Private Schools ng liham kay Labor Secretary Silvestre Bello III, upang iapela ang suspensyon ng polisiya, ani Geronimo.

Giit ni Geronimo, makaaapekto ang bawas-sahod sa kakayahan ng mga guro na bumili ng pagkain at gamot.

Dagdag pa niya, hindi umano malulugi ang mga pribadong paaralan sakaling bayaran ang contractual employees sa gitna ng health breaks “because school fees are computed and paid at semester or yearly rates.”

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang DOLE ukol dito. RNT/SA