‘No work, no pay’ sa Peb. 24 holiday – DOLE

‘No work, no pay’ sa Peb. 24 holiday – DOLE

February 24, 2023 @ 11:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipatutupad ang patakarang “no work, no pay” sa mga empleyadong hindi papasok ngayong Biyernes, batay sa Labor Advisory 82 na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos ideklara ng Malacañang na special non-working day para sa Pebrero 24.

“If the employee does not work, the ‘no work, no pay’ principle shall apply unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement,” saad sa abiso ng DOLE na may petsyang Pebrero 23.

Sa kabilang banda, ang mga empleyadong papasok sa trabaho ay may karapatang makakuha ng dagdag na suweldo.

“For work done during the special day, the employer shall pay the employee an additional 30% of the basic wage on the first eight hours of work (basic wage x 130%),” ayon pa sa DOLE.

“For work done in excess of eight hours, the employer shall pay the employee an additional 30% of the hourly rate on said day (hourly rate of the basic wage x 130% x 130% x number of hours worked),” dagdag pa rito.

Sa kabilang banda, kung ang empleyado ay pumasok sa trabaho sa espesyal na araw na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, “dapat bayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 50% ng pangunahing sahod sa unang walong oras ng trabaho (basic wage x 150%).”

“For work done in excess of eight hours during the special day that also falls on the employee’s rest day, the employer shall pay the employee an additional 30% of the hourly rate on said day (hourly rate of the basic wage × 150% × 130% × number of hours worked),” saad pa ng DOLE.

Sa Proclamation 167 na inilabas noong Huwebes, idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Pebrero 24 bilang isang espesyal na araw na walang pasok bilang paggunita sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, bilang kapalit ng Pebrero 25, na papatak sa Sabado. RNT