Nobya ni Woody, babalik sa Toy Story 4

Nobya ni Woody, babalik sa Toy Story 4

March 20, 2019 @ 8:29 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Inilabas na ang trailer ng pinakaabangang Disney-Pixar animation film na Toy Story 4.

Ipinakita sa trailer ng Toy Story 4 ang mga bago at dating mga kasamahan ng mga karakter noong si Andy pa ang may-ari sa kanila.

Kabilang sa mga bagong laruan na ipinakilala ay si Forky, gawa ng bagong may-ari kina Woody, Buzz Lightyear at iba pa nilang kaibigan, na tila nalilito pa kung siya ba ay laruan o hindi.

Samantala, babalik na rin sa Toy Story 4 ang girlfriend ni Woody na si Bo Peep, isang procelein figurine.

Si Bo Peep ay saglit lamang na ipinakita sa Toy Story 3 kung saan nabanggit nina Woody at Rex na siya ay kasama sa mga nabili sa yard sale kasama sina Wheezy at Ethc A Sketch.

Sa Toy Story 4 malalaman ang nangyari kay Bo Peep at kung bakit hindi na niya suot ang kaniyang polka dots dress.

Ang Toy Story 4 ay ipalalabas sa mga sinehan sa June 21./Remate News Team