Nobyembre ideklarang “Buy Pinoy, Build Pinoy Month Act”-Villar

Nobyembre ideklarang “Buy Pinoy, Build Pinoy Month Act”-Villar

August 16, 2022 @ 8:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Upang hikayatin ang pampubliko at pribadong sektor na tangkilikin ang mga produktong Pinoy, nais ni  Senator Cynthia A. Villar na ideklarang  “Buy Pinoy, Build Pinoy Month” ang Nobyembre.

Sa kanyang Senate Bill 357, sinabi ni Villar na kailangang unahin  ang pagbili at  paggamit ng produktong Pinoy at  pagtangkilik sa serbiayo ng ating mga kababayan.

“Patronizing  our own Filipino products strengthens the Philippine economy,” giit ni Villar na kilaka sa  pagsusulong sa lokal na produkto mula sa kanyang mga programang pangkabuhayan.

Aniya, pinili niya ang Nobyembre dahil dumarami ang mga mamimili sa panahong ito bunga ng Kapaskuhan.

Bagama’t madalas ni Villar naririnig ang  kasabihang “Tangkilikin ang Sariling Atin”,  dismayado naman siya na hindi ito naisasagawa.

Pinuna niya ang  kakulangan ng ating pamahalaan at  stakeholders na ipaalam sa consumers ang pakinabang sa sandaling gawin natin ito.

Naniniwala si Villar  na kailangan suportahan natin ang   Filipino entrepreneurs para sa kanilang  pag-unlad at pakikipag- kumpetensiya. .

Layunin ng panukalang batas  ni Villar na itanik sa isipan ng bawat Isa ang pagtangkilik  sa  Filipino-made products at pagkilala sa Filipino producers, partikular ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).

“All heads of government offices and instrumentalities, including government-owned and controlled corporations, as well as local government units, and employers in the private sector, shall encourage and afford sufficient resources, time and opportunities for MSMEs to engage and participate in any and all activities to mark the month,” sabi ni Villar.

Mahalagang sangkap ang  MSMEs sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Binubuo nila ang 99.6 % ng mga rehistradong negosyo sa Pilipinas. Binibigyan din nila ng trabaho ang mahigit 67 % ng Filipino labor force. Ernie Reyes