Noche buena items ‘di nire-regulate, mino-monitor lang ng DTI

Noche buena items ‘di nire-regulate, mino-monitor lang ng DTI

December 21, 2022 @ 9:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI)  na hindi nito kinokontrol ang mga presyo ng Noche Buena items dahil hindi ito essential o prime commodities bagkus ay mino-monitor lang nila.

Sa isang media briefing, tiniyak ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na alam ng ahensya kung mag-overprice ang mga retailer sa Noche Buena items.

“Yung Noche Buena price guide, that is not regulated by government kasi seasonal products ito. Hindi sila basic o prime. So ang presyo ay manufacturers ang nagde-decide,” paliwanag niya.

“Pero naka-monitor kami na kapag may tumaas na presyo compared sa new prices sa prevailing price, doon kami naa-alert agad,” dagdag pa ng opisyal.

Nauna nang sinabi ng DTI na nakapagtala ito ng pagtaas ng presyo sa hindi bababa sa 12 Noche Buena items, kabilang ang ham, fruit cocktail, cheese, queso de bola, mayonnaise, sandwich spread, pasta, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, at creamer.

Nauna nang naglabas ng infographic ang ahensya na nagpapakitang sapat na ang ₱500 para sa isang simpleng Noche Buena na umani naman ng batikos sa social media kaya inalis din. RNT