Nograles sa employers: WFH, flexible working arrangement ikasa

Nograles sa employers: WFH, flexible working arrangement ikasa

October 4, 2022 @ 4:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng pagpapalabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Republic Act No. 11165 o Telecommuting Act of 2018, hinimok ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles ang lahat ng mga employer sa bansa na suportahan at iimplementa sa kanilang mga kumpanya ang flexible working arrangements para sa mga empleyado.

“With the release of the expanded rules for the telecommuting law, we hope that more employers will implement flexible working arrangements for their workers. A happy worker is a productive worker, if we can provide our employees with the opportunity to spend more time with their families without hampering productivity, that’s a win for all sides,” pahayag ni Nograles.

Ang IRR para sa Telecommuting Law ay ipinalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Department Order No. 237 noong Setyembre 16.

Ang nasabing IRR ay tugon sa panawagan ng marami na ituloy ang Work-From-Home setup na naumpisahan sa kasagsagan ng Covid 19 pandemic, maliban sa WFH ay ineenganyo din ang mga employers na magkaroon ng iba pang alternative workplace schemes.

Sa ilalim ng nasabing IRR, ang trabaho na ginawa ng mga empleyado sa alternative setup ay dapat itrato din na parehas sa trabaho nila kung ito ay ginawa sa mga opisina.

“According to the IRR, the telecommuting employee should also have the same or equivalent workload and performance standards as those of comparable workers at the employer’s premises. However, the parties may mutually agree to different performance standards that may be more appropriate given the location of the employee,” paliwanag ni Nograles.

Sinabi ni Nograles na ang pagpapalabas ng IRR ay napananahon sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at problema sa public transport, aniya, malaking katipiran sa mga empleyado kung hindi na ito palaging lalabas ng kanilang bahay.

“Hours lost to traffic is also money and productivity lost. If more employers implement alternative workplace schemes, they could increase productivity and even help their employees cope with the rising cost of goods.This is an arrangement that will benefit all concerned,” pagtatapos pa ni Nograles. Gail Mendoza