Nograles sa mga Pinoy: Fake news sa #OdettePH ‘wag paniwalaan

Nograles sa mga Pinoy: Fake news sa #OdettePH ‘wag paniwalaan

December 15, 2021 @ 5:18 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Pinayuhan ng Malakanyang ang mga Pilipino na nakatira sa lugar na dadaanan ng bagyong “Odette” na huwag maniwala sa fake news at kumuha lamang ng kanilang weather news mula sa reliable sources.

“Sa mga residente ng mga lugar na dadaanan ng bagyo, maging laging handa at maging ligtas,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Huwag pong maniwala sa fake news o sa mga naririnig sa tabi-tabi . Please get weather advisory and bulletin updates from official government websites and official news channels,” dagdag pa nito.

Nauna rito, nagbigay naman ng katiyakan ang Malakanyang sa publiko na handa ang national government sa bagyong Odette, na may international name “Rai”.

“The weather disturbance gained strength upon entering the Philippine Area of Responsibility (PAR). Typhoon signal no.2 has been raised in some areas in Mindanao because of Odette,” ayon sa report. Kris Jose