Noise control sa paligid ng pinagdarausan ng bar exams ipinatutupad ng MPD

Noise control sa paligid ng pinagdarausan ng bar exams ipinatutupad ng MPD

November 9, 2022 @ 12:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Bantay sarado ngayon ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang mga testing venue na pinagdausan ng Bar exams sa Maynila.

Hindi lamang ang seguridad sa paligid ng mga unibersidad kung saan gagawin ang pagsusulit ang kanilang tututukan kundi maging ang pagpapatupad ng noise control, liquor ban, at pagbabawal sa mga ambulant vendors sa lugar na malapit sa San Beda College sa Mendiola at De La Salle University sa Taft Avenue.

Sinabi ni MPD District Director P/Brig.Gen. Andre Dizon na mahigpit na babantayan ang labas at paligid ng naturang mga unibersidad.

Ang Supreme Court Police naman aniya ay nakabantay sa loob ng nito.

Ayon kay Dizon, ipapatupad ang liquor ban, noise control at prohibition of ambulant vendors sa bisperas at mismong araw ng bar exams. Jocelyn Tabangcura-Domenden