NoKor capital, naka-lockdown

NoKor capital, naka-lockdown

January 25, 2023 @ 5:20 PM 2 days ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng North Korea ang limang araw na lockdown sa kabisera nito na Pyongyang dahil sa tinukoy nilang ‘respiratory illness’.

Ayon sa ulat, ito ang kauna-unahang city-wide lockdown sa Pyongyang mula nang ianunsyo nila na napagtagumpayan na ng bansa ang laban kontra COVID-19 noong Agosto 2022.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga residente na manatili sa kani-kanilang tirahan mula Miyerkuels hanggang Linggo at magpasa ng multiple temperature checks araw-araw.

Hindi naman tinukoy kung COVID-19 ba ang dahilan nito ngunit sinabi na kumakalat ang sakit na may sintomas na katulad ng sa sipon.

Dagdag pa, hindi rin malinaw kung nagpatupad din ba ng kahalintulad na lockdown sa iba pang mga lugar sa North Korea.

Sa kasalukuyan ay nakararanas ng malamig na panahon ang Korean peninsula at ang temperatura sa Pyongyang ay bumabagsak ng hanggang -22 Celsius. RNT/JGC