NoKor hinikayat ni PBBM na tumalima sa UN security council resolutions

NoKor hinikayat ni PBBM na tumalima sa UN security council resolutions

November 12, 2022 @ 9:56 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang North Korea na sundin ang United Nations (UN) security council resolutions habang ipinahahayag nito ang pagkabahala sa pagpapakawala ng ballistic missiles.

Sa kanyang naging interbensyon sa 41st ASEAN Summit Retreat, tinalakay ni Pangulong Marcos ang tungkol sa kamakailan lamang na events at developments sa rehiyon at sa buong mundo na aniya’y nagpabagal sa global efforts tungo sa economic progress at “uncovered the real struggle facing the human race: the defense of the common universal values that underpin our common humanity.”

“The Philippines reiterates its grave concerns over the series of missile launches conducted by the DPRK (Democratic People’s Republic of Korea) this year,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We call on the DPRK to comply with relevant UN Security Council Resolutions and we encourage the continuation of dialogue and engagement among concerned parties with the aim of stabilizing the situation in the region,” dagdag na pahayag nito.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang Pangulo sa nuclear weapons na naging “conventional”.

“Our greatest fear is that if nuclear weapons become conventional weapons by the use of another country, for example by Russia in Ukraine and it becomes a conventional weapon,” aniya.

“It will encourage others to unleash their nuclear weapons. This will be the end of us all,” wika pa ng Pangulo. Kris Jose