NoKor leader Kim nagpasalamat kay SoKor Pres Moon sa mga pagsisikap tungo sa mabuting relasyon – report

NoKor leader Kim nagpasalamat kay SoKor Pres Moon sa mga pagsisikap tungo sa mabuting relasyon – report

April 22, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


SEOUL, South Korea – Nakipagpalitan ng liham si North Korean leader Kim Jong Un kay outgoing President Moon Jae-in ng South Korea at pinasalamatan si Moon sa kanyang pagsisikap na mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa, iniulat ng state media KCNA ngayong Biyernes.

Nagpadala si Moon ng liham noong Miyerkules at nangako ng patuloy na pagsisikap na tumulong sa paglalatag ng pundasyon para sa pag-iisa batay sa magkasanib na mga deklarasyon na naabot sa kanilang mga summit noong 2018, sinabi ng KCNA.

Tumugon naman si Kim at sinabi na ang kanilang “historic” summits noong 2018 ay nagbigay ng “hope for the future” sa kanilang mga nasasakupan.

Nagkasundo rin ang dalawa na ang kanilang mga napagkasunduan ay magbubunga kapag ang parehong panig “make tireless efforts with hope.”

“Kim Jong Un appreciated the pains and effort taken by Moon Jae-in for the great cause of the nation until the last days of his term of office,” ayon sa official KCNA news agency, kung saan tinukoy din na ang nasabing palitan ay “expression of their deep trust.” RNT