NoKor magdamag nagpakawala ng ballistic missile

NoKor magdamag nagpakawala ng ballistic missile

November 4, 2022 @ 1:43 PM 4 weeks ago


SOUTH KOREA – Magdamag na nagsagawa ng artillery barrage ang North Korea sa maritime ‘buffer zone’ ng bansa.

Ito ay makaraang tawagin ng Seoul at Washington ang pagpapakawala ng tatlong short-range ballistic missiles ng Pyongyang nitong Huwebes, Nobyembre 3 bilang isang mapanaganib at maling desisyon.

Sa ulat ng Seoul military, nasa 80 artillery rounds ang pinaulan sa maritime buffer zone ng North Korea.

Ang ginawang ito ng naturang bansa ay malinaw na paglabag sa 2018 agreement na nagtatatag ng buffer zone sa dalawang bansa upang mabawasan ang tensyon sa rehiyon.

Tinawag naman ni US Defence Secretary Lloyd Austin na “illegal at destabilising” ang aksyong ito.

Nangako naman ang Seoul at Washington na sisiguruhin nilang maipakita ang kapasidad ng dalawang bansa laban sa banta ng North Korea.

Sa kabuuan ay umabot na sa 30 missiles ang pinakawalan nitong Miyerkules at Huwebes kung saan ang isa dito ay bumagsak pa sa teritoryo ng South Korea na kauna-unahan mula pa noong Korean War. RNT/JGC