NoKor naghamon na naman, cruise missile pinakawalan!

NoKor naghamon na naman, cruise missile pinakawalan!

February 24, 2023 @ 3:36 PM 1 month ago


NORTH KOREA – Nag-angas na naman ang North Korea makaraang magpakawala ng apat na strategic cruise missiles kasabay ng isang drill na layong ipakita ang abilidad nito na magkasa ng nuclear counterattack laban sa ibang pwersa.

Kasama sa drill nitong Huwebes, Pebrero 23 ay ang operational strategic cruise missile unit ng Korean People’s Army, na nagpakawala ng apat na “Hwasal-2” missiles sa lugar ng Kim Chaek City, North Hamgyong Province, sa bandang east coast ng Korean Peninsula.

Nagsagawa rin ng firepower training ang iba pang units nito.

Nasapul ng apat na strategic cruise missiles ang target nito makaraang lumipad ng “2,000km-long (1,243 mile) elliptical and eight-shaped flight orbits for 10,208 seconds to 10,224 seconds,” saad sa ulat.

Ayon sa KCNA, ipinakita ng drill ang “war posture of the DPRK nuclear combat force bolstering up in every way its deadly nuclear counterattack capability against the hostile forces.”

Ang missile launches na ito ay hindi naanunsyo ng South Korea o Japan na karaniwang nauunang mag-ulat sa mga ikinakasang missile launches ng North Korea. RNT/JGC