NoKor naglunsad ng ballistic missiles; mga residente sa  Japan pinag-iingat

NoKor naglunsad ng ballistic missiles; mga residente sa  Japan pinag-iingat

November 3, 2022 @ 9:20 AM 3 weeks ago


TOKYO/SEOUL- Naglunsad ang North Korea ng ilang ballistic missiles nitong Huwebes, kabilang ang isang naging mitsa ng pagkaalarma ng mga residente sa bahagi ng central at northern Japan, sa pinakabagong rekord ng missile testing ng nuclear-armed North.

Ito ay kasunod ng paglulunsad ng North Korea ng hindi bababa sa 23 missiles, kabilang ang isang bumagsak sa katubigan ng South Korea sa unang pagkakataon.

Binalaan ang mga residente ng Miyagi, Yamagata at Niigata nitong Huwebes na manatili sa loob ng tahanan, ayon sa J-Alert Emergency Broadcasting System.

Sinabi naman ng Japan’s Ministry of Defense na hindi dumaan sa Japanese territory ang missile.

Naiulat naman ng Japan’s Coast Guard na may bumagsak na missile halos 25 minuto makalipas itong maiulat. Bumagsak ito sa Pacific Ocean 1,100 kilometers (680 miles) east ng Japan, ayon sa ulat.

Ang paglulunsad ng missile ay kasunod ng hirit ng Pyongyang sa United States at South Korea na itigil ang large-scale military exercises, at sinabing “military rashness and provocation can be no longer tolerated.” RNT/SA