NoKor naglunsad ng missile bago SoKor-Japan summit

NoKor naglunsad ng missile bago SoKor-Japan summit

March 16, 2023 @ 11:06 AM 2 weeks ago


SEOUL, South Korea- Naglunsad ang North Korea ng ballistic missile sa dagat sa pagitan ng Korean peninsula at Japan, ayon sa militar ng South Korea nitong Huwebes, ilang oras bago tumulak ni South Korean President Yoon Suk Yeol sa Tokyo para sa isang summit.

Nagsagawa ang North Korea ng halos arawang missile launches nitong linggo sa gitna ng South Korea-US military drills na kinokondena ng Pyongyang.

Sinabi ng South’s Joint Chiefs of Staff nitong Huwebes na naglunsad ang North ng isang hindi natukoy na uri ng ballistic missile sa east coast nito.

Patungo si Yoon sa Japan para sa unang summit na kasama si Prime Minister Fumio Kishida sa loob ng mahigit isang dekada, bilang bahagi ng pagsisikap na para sa pagsasaayos ng historical, political at economic disputes kontra North Korea at iba pang mga hamon.

Bilang bahagi ng pagsisikap, nagkasundo ang dalawang US allies na ibabahagi ang real-time tracking ng North Korean missile launches, at tiniyak na palalalimin ang military cooperation. RNT/SA