NoKor nagpakawala na naman ng ballistic missile – SoKor

NoKor nagpakawala na naman ng ballistic missile – SoKor

November 18, 2022 @ 12:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpakawala na naman ng isang intercontinental ballistic missile nitong Biyernes, Nobyembre 18 ang South Korea.

Ito ay isang araw makalipas ang babala nito sa Estados Unidos ng mas pinaigting na military response kung patuloy na palalakasin ng nasabing bansa ang presensya nito sa rehiyon.

Sa parehong ulat ng Japan Coast Guard at South Korea defense ministry, ang pinakawalan ay isang ICBM o long-range weapon ng North Korea na kayang makarating ng kahit hanggang sa US pa.

Matatandaan na kahapon ay nauna nang nagpalipad ng short-range ballistic missile ang nasabing bansa matapos ang babala ni NoKor foreign minister Choe Son Hui, ng aksyon na pagsisisihan ng Washington.

Sa pahayag na ipinalabas sa state media ng nasabing bansa, kinondena ni Choe ang trilateral summit na ginawa ng US, South Korea at Japan nitong Linggo kasabay ng kritisismo sa weapon test ng Pyongyang.

Kung babalikan, ngayong taon ay kapansin-pansin ang mas maraming ballistic missile tests na ginagawa ng North Korea na kinastigo pa ng United Nations Security Council. RNT/JGC