NoKor nagpakawala ng 2 ballistic missiles

NoKor nagpakawala ng 2 ballistic missiles

October 9, 2022 @ 12:06 PM 2 months ago


NORTH KOREA – Nagpakawala ng dalawang ballistic missiles Linggo ng umaga, Oktubre 9 ang North Korea na ika-pito na sa serye ng pagpapakawala ng missile ng Pyongyang.

Sa impormasyon ni Toshiro Ino, Japan state minister of defense, umabot ng 100 kilometro ang taas ng parehong missile at nakaabot sa distanysang 350 kilometro at ang unang missile ay pinakawalan 1:47 a.m. local time.

Anim na minuto makalipas nito ay pinakawalan naman ang ikalawang missile.

Parehong bumagsak sa labas ng exclusive economic zone ng Japan ang mga ito ngunit inaalam na ng mga otoridad kung anong uri ng missile ito at ang posibilidad na ito ay mga submarine-launched ballistic missiles.

Siniguro naman ng Estados Unidos na ito ay hindi ito magdudulot ng peligro sa kahit na sinong tauhan ng US at ng mga ka-alyansa nito.

“The US commitments to the defense of the Republic of Korea and Japan remain ironclad,” ayon sa Hawaii-based US Indo-Pacific Command sa isang pahayag.

Kinondena rin ng South Korean military ang hakbang na ito ng North Korea. RNT/JGC