NoKor nagpakawala ng ballistic missile

NoKor nagpakawala ng ballistic missile

March 19, 2023 @ 3:36 PM 6 days ago


NORTH KOREA – Nagpakawala ang North Korea ng ballistic missile nitong Linggo, Marso 19.

Ito ang pinakabagong paglulunsad ng missile ng nasabing bansa habang nagpapatuloy ang military drill ng South Korea at Estados Unidos.

“North Korea fires ballistic missile towards the East Sea,” ulat ng Yonhap.

Matatandaan na noong Marso 13 ay nagsimula na ang 10 araw na joint military drill ng pwersang South Korea at Amerika na tinawag na Freedom Shield.

Ang paglulunsad naman ng North Korea ng missile ngayong araw ay halos ilang araw lamang matapos naman nilang pakawalan ang pinakamalaki at pinakamalakas na intercontinental ballistic missile na Hwasong-17. RNT/JGC