NoKor nagpalipad ng missile, fighter jet sa SoKor border

NoKor nagpalipad ng missile, fighter jet sa SoKor border

October 14, 2022 @ 2:59 PM 2 months ago


NORTH KOREA – Nagpalipad ng short-range ballistic missile at fighter jets kasabay ng artillery barrage ang North Korea malapit sa boundary ng South Korea bilang pagpapakita ng kapangyarihan nito sa rehiyon.

Sa impormasyon, sinabi ng South Korean military na nakakita sila ng ballistic missile launch mula sa Sunan area sa Pyongyang ngayong araw ilang oras makalipas na magpalipad ng 10 fighter jets ang naturang bansa sa inter-Korean border.

Maliban dito ay nagpaulan din ng 170 artillery shots sa east at west coast ng Korean peninsula ang North Korea na maituturing na paglabag sa maritime buffer zone na pinagkasunduan noong 2018.

Sa mga nagdaang linggo ay naging agresibo ang North Korea na magsagawa ng mga military exercise at missile launch na maituturing na “tactical nuke” drills habang papalapit sa ikapitong nuclear test, ayon sa Seoul at Washington.

Sinabi naman ng North Korean military sa pambihirang pagkakataon na ang tugon nila sa artillery exercise ng South Korea malapit din sa kanilang border sa pamamagitan ng pahayag na inilabas nitong Biyernes, Oktubre 14 ng Korean Central News Agency.

Nagbabala naman ang Pyongyang sa South Korean military na mag-ingat sa mga aksyon nito na posibleng magdulot ng tensyon sa rehiyon.

Kinondena naman ng National Security Council sa Seoul ang aksyong ito ng karatig-bansa at naglabas ng kauna-unahang unilateral sanctions sa loob ng limang taon para sa North Korea individuals at mga institusyon nito.

Sinegundahan din ito ng Estados Unidos at sinabing:

“We continue to seek serious and sustained dialogue with the DPRK, but the DPRK refuses to engage.” RNT/JGC