NoKor nagpaputok ng missile na pinaniniwalaang daraan sa Japan

NoKor nagpaputok ng missile na pinaniniwalaang daraan sa Japan

October 4, 2022 @ 8:08 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaputok ang North Korea ng hindi bababa sa isang ballistic missile na tila ang trajectory ay patungong Japan ngayong Martes ng umaga, oras sa Pilipinas.

Kinumpirma naman ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea ang paglulunsad.

Ayon sa isang tweet na nai-post ng opisina ng Punong Ministro ng Japan, ang projectile ay “pinaniniwalaang inilunsad” sa hilagang isla ng Hokkaido ng Japan — na nagmamarka ng potensyal na pagtaas para sa paglulunsad ng missile ng North Korea.

Hinikayat ng tweet ang mga tao na sumilong sa loob ng isang gusali o sa ilalim ng lupa.

“The aforementioned missile is believed to have passed through the Pacific Ocean around 07:29 a.m. JST,” sabi ng opisina ng premier sa isa pang tweet.

Ang parehong pahayag ay hinimok ang mga sibilyan sa Japan na “to not approach anything suspicious that is found and to immediately contact the police or fire department.” RNT