Nominado sa CA, pinalilimitahan ni Cayetano sa apat kada pagdinig

Nominado sa CA, pinalilimitahan ni Cayetano sa apat kada pagdinig

September 28, 2022 @ 3:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinalilimitahan ni Senador Alan Peter Cayetano sa dalawa hanggang apat na nominado kada pagdinig ang isasalang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) upang magkaroon nang sapat na panahon at mas maging kalidad ang pagsusuri.

Sa kanyang apela, sinabi ni Cayetano, minority leader sa CA na kailangan nang sapat na panahon ng bawat miyembro sa pagkilatis ng bawat appointees na isasalang sa pagdinig

“Hindi pa ganon ka high-tech ang vetting system natin so ang CA is the first line of defense. May I appeal to our colleagues, to the good chair and vice chair, that let’s do it slowly but surely,” sabi sa isang manipestasyon sa sesyon ng plenaryo ng CA kahapon, Setyembre 27.

“If we have to work overtime and Thursdays, or extend after the session, why not hindi ba? May I make this appeal as an assurance to our people that we’re working hard and quality ang trabaho na ibinibigay ng CA,” dagdag ng CA Minority Leader..

Inihayag ni Cayetano ang pagkabahala niya matapos kumpirmahin ng CA ang tatlong Department Secretary at 63 general/flag at senior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes. Ngayong araw ng Miyerkules, 15 na pinuno ng ahensya ang nakatakda para sa kumpirmasyon.

“Let’s not take away from our nominees and from the Filipino people the privilege and the honor of getting to know our nominees and appointees better. Baka naman we can do two or more than two,” wika niya.

Sinabi ni Cayetano na hindi ang dami kundi ang kalidad ng trabahong kailangang gawin ang kanyang ikinababahala. “The investigation reports are more than a hundred pages, at kapag sinabay natin ‘to sa budget hearings natin, apektado talaga tayo,” wika niya.

Sa pagtatapos ng kanyang manifestation, ipinaalala ni Cayetano ang patakaran ng CA: “The Commission being part of our Republic’s checks and balances shall act as a restraint against the abuse of the appointing authority to the end that the power to disapprove should be exercised to protect and to enhance public interest.”

Sinang-ayunan ni CA Chairperson at Senate President Juan Miguel Zubiri at dalawa pang miyembro ang manifestation ni Cayetano bago ipagpaliban ang plenary session ng CA. Ernie Reyes