Nominasyon ng PH envoy naudlot sa CA panel

Nominasyon ng PH envoy naudlot sa CA panel

February 22, 2023 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Commission on Appointments panel ang deliberasyon para sa nominasyon ng isang Philippine envoy ngayong Miyerkules, Pebrero 22.

Kasabay kasi ng pagdinig ng CA committee on foreign affairs, kung saan si Senador Jinggoy Estrada ang umuupo, pinuna ng mga mambabatas ang kasong sexual assault na inihain laban kay Bienvenido Tejano.

Si Tejano ay nominado bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Independent State of Papua New Guinea, na may concurrent jurisdiction sa Republic of Kiribati at Solomon Islands.

“Since it is very clear that Ambassador Tejano is holding several information for us, and I think it would be embarrassing for him to divulge this information in public… therefore, I move that we defer the appointment of Mr. Tejano until such time the issues have been cleared,” ani Surigao del Sur 2nd District Representative Johnny Pimentel.

Wala namang kumontra sa pagpapaliban ng diskusyon.

Si Senador Risa Hontiveros ang unang gumisa kay Tejano kaugnay ng mga nakaraang kaso na inihain laban sa kanya, kasabay ang ulat na siya ay “invoked diplomatic immunity to escape charges in one of those cases.”

Pinabulaanan naman ni Tejano ang naturang ulat at sinabing hindi totoo ang mga paratang laban sa kanya.

“It has been publicized in newspaper. It was broadcasted in some radio stations. There was even a draft of business paper that was sent to Papua New Guinea and they paid them in order to publish and destroy me,” giit ni Tejano.

“When you are already publicized like that, it really hurts me so much because this is not true. These are all fabricated,” dagdag pa niya,

Sinabi pa ni Tejano na isang negosyanteng Pinay na tinaggihan niyang tulungan ang nag-aakusa sa kanya ng sexual assault.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Pimentel na ito ay dating household helper ni Tejano at hindi isang businesswoman.

Ayon pa kay Pimentel, ang isa pang kaso na inihain laban kay Tejano ay mula naman sa apo sa pamangkin ng naunang nag-akusa, dahil naman sa assault at rape ngunit na-dismiss dahil sa teknikalidad.

“The case was dismissed on a technicality because of the prescription period. The court alleged na matagal na masyado. But, the dismissal does not prove your innocence,” ayon sa mambabatas.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy naman ng komite ang deliberasyon para sa iba pang ambassador at ad-interim appointments ng 14 iba pang foreign service officials. RNT/JGC