Non-COVID patients ire-refer, ililipat ng PGH sa pagtaas ng COVID

Non-COVID patients ire-refer, ililipat ng PGH sa pagtaas ng COVID

January 1, 2022 @ 11:44 AM 8 months ago


Manila, Philippines — Target ng Philippine General Hospital (PGH) na ilipat ang mga  paseynteng walang COVID  kung tataas ang pangangailangan ng kama para sa COVID-infected patients.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, mayroon silang 350 kama para sa COVID-19 ngunit ginawang non-COVID beds nang bumaba ang kaso ng virus.

 “Ngayon medyo hindi pa namin basta basta pwedeng ibalik ng 300 for COVID patients kasi puno kami ng non-COVID patients, so it will take a while na i-transition kung talagang malaki ang pangangailangan,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

 “Kapag nagbukas ka ng COVID [wards], kailangan mo ng additional manpower. The only way para ma-augment mo is magsama ka ng non-COVID so dalawa ang ginagawa namin, naghahanap kami ng hospitals na pwede muna itransfer ‘yung iba naming non-COVID patients kung pwede, or hindi na muna kami tatanggap ng non-COVID to accommodate the COVID,” dagdag pa ni Del Rosario.

 Papayuhan na lamang aniya ng PGH ang may mga mild at walang sintomas na sa bahay magpagaling o kaya naman ay ilipat sa ibang ospital. RNT/FGDC