Non-scalpel vasectomy, epektibong male contraceptive – POPCOM

Non-scalpel vasectomy, epektibong male contraceptive – POPCOM

November 28, 2022 @ 9:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa pagpalo ng populasyon ng mundo sa 8 bilyon, muling umigting ang mga panawagan na kontrolin ang population growth.

Ayon sa ulat, hinihikayat ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang mga kalalakihang Pilipino na mas maging aktibo sa family planning bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Men’s Day.

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na tumaas ang bilang ng mga kalalakihang Pilipino na gumagamit ng condom bilang contraceptive.

Subalit, isinusulong ng POPCOM ang non-scalpel vasectomy (NSV) bilang uri ng contraceptive dahil sinasabing ito ay 99.8 porsyentong epektibo at isang beses lang kailangang isagawa.

“Ang vasectomy ay isang contraceptive process, procedure para sa mga lalaki. So ang pinaka-katumbas niya sa mga babae ‘yung bilateral tubal ligation. Sa mga lalaki pinuputol ‘yung tinatawag na vas deferens in effect wala na siyang capability na makabuo ng baby,” ani Urologist Dr. Andrew Valdez.

Base sa 2020 Field Health Services Information System (FHSIS) ng DOH, halos 400,000 kalalakihang Pilipino lamang ang gumagamit ng condoms,ayon sa POPCOM.

Iginiit ng komisyon na nananatiling hindi popular ang male sterilization sa pamamagitan ng NSV “as there were only about 15,000 who underwent the procedure in 2020, or less than 1% of all family planning users at 8.1 million.”

“This was even lower than in 2016 at about 16,000, out of a universe of 6.1 million users then,” dagdag ng ahensya.

Batay naman sa pinakabgong datos ng National Demographic and Health Survey, sinabi ng POPCOM na sa halos 40% ng modern contraceptive users, mayroong “just a slight uptake of condoms” mula sa 1.7% noong 2017 sa 2% ngayong 2022.

Para sa NSVs, nananatili ito sa 0.1% sa nakalipas na limang taon.

“From a male standpoint, resorting to family planning does not take away anything biologically. Absolutely none of the methods – neither condoms nor NSV– affect virility, libido, and sexual drive,” pahayag ni POPCOM Officer in Charge-Executive Director Lolito Tacardon.

“NSV, for instance, is a simple outpatient operation that involves the cutting and sealing of a small tube—the vas deferens—which will impede the flow of semen. It is, not in any way, a form of castration,” patuloy niya.

Matapos ang surgery, inirerekomenda sa pasyente na komunsulta sa doktor bago ang sexual intercourse upang matiyak na wala nang natirang sperm.

Samantala, sinabi ni Valdez na pwede ring ikonsidera ng mga pasyente ang vasectomy bilang permanente dahil ang success rate ng reversal procedure ay 50-70 porsyento.

“Kapag mag-dedesisyon kayo na magpa-vasectomy kailangang sariling desisyon niyo ‘yun, na-discuss niyo with all parties involved. Ibig sabihin kung meron kang partner in life, meron kang wife,” aniya pa.

Sinumang nais sumailalim sa vasectomy ay pwedeng sumangguni sa POPCOM-National Capital Region sa contact details at Facebook page nito. RNT/SA