Non-working holiday idineklara sa Valenzuela sa Nob. 12

Non-working holiday idineklara sa Valenzuela sa Nob. 12

November 3, 2022 @ 7:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Valenzuela City Mayor Weslie “Wes” Gatchalian ang special non-working holiday sa lungsod sa Nobyembre 12, araw ng Sabado.

Ito ay upang bigyang daan ang pagdiriwang ng 399th founding anniversary nito.

Ang deklarasyon ay sa ilalim ng Proclamation No. 74, na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 14 upang makabahagi ang mga residente ng Valenzuela City na makilahok sa mga pagdiriwang at seremonya na isasagawa.

Kasabay ng selebrasyon, isasagawa rin ang iba’t ibang aktibidad at pagtatanghal na gagawin kabilang na ang mga talent competitions, street dance performance at parada. RNT/JGC