Nono-Lin may COVID, nakakwarantin kaya ‘di nakadalo sa Senate hearing; Contempt, ipinagtaka

Nono-Lin may COVID, nakakwarantin kaya ‘di nakadalo sa Senate hearing; Contempt, ipinagtaka

January 28, 2022 @ 11:18 AM 8 months ago


Umalma ang kampo ng negosyanteng si Quezon City 5th District Congressional candidate Rose Nono-Lin ang sa pagkakasama sa nakatakdang i-“cite in contempt” ng Senado.

Nauna na kasing ibinulgar ni Senate Blue Ribbon Committee na sa Lunes na ilalabas ang resulta ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang Pharmally pabdrmic supplies deal.

Dagdag ni Gordon na ipako-contempt ng Senado ang limang indibidwal kasama rito si Nono-Lin sa umano’y hindi pagdalo sa imbestigasyon.

Kaugnay nito, ipinagtataka naman ni Atty. Alma Fernandez-Mallonga, abogado ni Nono-Lin kung bakit nakasama ang kliyente sa ipinaaaresto gayong nagbigay abiso umano ito na siya ay positibo ito sa COVID-19.

Sa ipinalabas na RT-PCR poaitive result ng 39-anyos na negosyante, nagpositibo ito sa virus noong Miyerkoles, Enero 26.

Giit pa ng kanyang abogado, bukod sa sertipikasyon ng kanyang family physician ay sinuri rin siyavia teleconsult kayat nag-abiso ito sa committee tungkol sa kaniyang kalagayan.

Dahil siya ay COVID positive, pinayuhan si Lin ng kanyang doctor na magkwarantin at magpahinga.

Giit din ni Atty. Mallonga na pitong beses at walang pagliliban na uma-attend ng pagdinig tuwing iimbitahan ang kanyang kliyente mula noong September 21 hanggang December 3, 2021.

Binigyan diin pa ng kampo ni Lin na hindi ito nagpapalusot at wala siyang intensiyong balewalain o takasan ang paanyaya ng senate blue ribbon pero ang kanyang hindi pagdalo kahapon ay dala ng medical condition na hindi na niya kontrolado. RNT