Nora at Matet nagkaayos na!

Nora at Matet nagkaayos na!

January 9, 2023 @ 2:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – A family will always be a family no matter what.

Ito ang kapwa napagtanto ng mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon who– thank God–have finally kissed and made up.

Ito ang nilalaman ng vlog ni Matet as she announced that she and her adoptive mother have already settled their differences.

In-upload din ni John Rendez, na long-time friend ng Superstar, ang larawan ng mag-ina na magkasama.

Kuwento ni Matet, dapat daw ay tatawagan niya noong Pasko ang ina para magkaayos na sila.

Pero naunahan daw siya ni Nora who communicated with her through Messenger.

Sinabi raw nitong magkasundo na at kalimutan na ang nangyari sa kanilang pagitan.

Matatandaang ikinasama ng loob ni Matet nang kumpitensyahin siya ng ina sa paninda niyang gourmet tuyo at tinapa.

Dahil sa sobrang tampo ay nakapagsalita si Matet na hindi na raw niya kakausapin ang ina.

“Pero ‘di ko pala kaya. Nasabi ko ‘yon dahil sa outburst of anger. I guess I spoke too soon,” pag-amin ni Matet.

Dinagdag pa niya na sino raw ba siya para humindi sa inang gusto nang makipagkasundo sa kanya?

Noong bisperas ng Pasko’y hindi kumpleto ang mga anak ni Nora, pero the year ended with her and Matet burying the proverbial hatchet.

Here’s wishing na sana’y tuluy-tuloy na uli ang magandang samahan ng mag-ina as Matet admitted na apektado raw ang kanyang mental health noong bina-bash siya ng mga tagahanga ng kanyang ina. Ronnie Carrasco III