Nora Aunor, 7 pa kinilala bilang bagong National Artists

Nora Aunor, 7 pa kinilala bilang bagong National Artists

June 11, 2022 @ 11:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Idineklara ng Malakanyang sina Nora Aunor at pito pang prominenteng indibidwal sa kultura at sining ng Pilipinas bilang National Artists fo 2022.

Kinilala si Aunor, na ang tunay na pangalan ay Nora Villamayor, bilang National Artist for Film and Broadcast Arts kasama ang screenwriter at novelist na si Ricky Lee at si late director Marilou Diaz-Abaya.

Samantala sina Choreographer Agnes Locsin ay National Artist for Dance; Salvacion Lim-Higgins para sa Design (Fashion); literary critic Gemino Abad para sa Literature; soprano Fides Cuyugan-Asensio para sa Music at stage director at actor Tony Mabesa para sa Theater.

Inanunsyo ang bagong National Artists sa ipinalabas na Proclamation No. 1390 ng Malakanyang alinsunod sa joint recommendation ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Cultural Center of the Philippines.

Ang Order of National Artist ang pinakamataas na pagkilala sa mga Pilipino na malaki ang kontribusykn sa sining at kultura ng Pilipinas. RNT/SA