Nora Aunor, magsasalita na, sasalang sa Fast Talk!

Nora Aunor, magsasalita na, sasalang sa Fast Talk!

February 19, 2023 @ 5:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi ikinakaila ni Boy Abunda na isa siyang masugid na tagahanga ni Nora Aunor.

Hindi lang ipinagmamakaingay ni Boy ay may ilang pagkakataong hindi siya nagkait ng tulong sa binansagang Superstar noong mga panahong pinadapa ito ng tadhana.

Ganoon na lang siyempre ang laki ng pasasalamat ni Ate Guy kay Boy.

Sa darating na Lunes, February 20 ay espesyal na panauhin ni Boy ang National Artist for Film sa kanyang Fast Talk sa GMA.

Curious ang mga Noranians sa guesting na ‘yon ng kanilang idolo lalo pa’t aktibo na naman ito sa paggawa ng pelikula.

Nora is cast in Adolf Alix Jr’s Pieta kasama si Alfred Vargas.

In the works din ang kanyang libro in four to five parts which traces her humble beginnings back in Iriga hanggang pumasok sa showbiz.

Nora’s showbiz entry was via her win in Tawag ng Tanghalan.

Naiintriga ang mga manonood ng Fast Talk kung ano pa ang hindi nila alam sa buhay ni Nora na posibleng masusing sinaliksik ni Boy.

Kung tutuusin, first time din lang mahihingan ng reaksyon si Nora sa naging hidwaan nila ng adopted daughter na si Matet de Leon.

Matatandaang nag-ugat ito sa umano’y pangungumpetensya ni Nora sa gourmet tuyo at tinapa business ni Matet noong isang taon.

Nagkaayos din ang mag-ina nang salubungin nila ang pagpasok ng 2023.

Posible ring kumustahin ni Boy ang health status ni Nora na naospital last year kaya hindi niya personal na natanggap ang kanyang National Artist award.

Over the week, nauna nang mag-guest si Vilma Santos sa Fast Talk para imbitahan ang mga manonood na huwag palampasin ang two-part special na Anim na Dekada…Nag-iisang Vilma na ipinrodyus ng ABS-CBN. Ronnie Carrasco III