Nora Aunor, tumakas sa lock-in taping!

Nora Aunor, tumakas sa lock-in taping!

November 13, 2020 @ 7:56 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Hindi hadlang ang lock-in taping para makausap ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ang anak na si Ian de Leon. Lumabas kasi si Ate Guy sa vlog ni Ian sa YouTube. 

 

Marami kasi sa mga subscriber ni Ian ang nag-request na sana ay maging guest ng aktor ang kanyang ina. 

 

Nangako ang aktor na matutupad ang request ng kanyang followers and true to his words, nagkaroon ng live streaming si Ian sa kanyang YouTube channel at ang panauhin ay si Ate Guy, ang kanyang maderaka. 

 

Kita sa aura nina Ian at Ate Guy ang kasiyahan at pananabik sa isa’t-isa. 

Ayon kay Ian ay mahaba-habang panahon na rin ‘yun nang huli niyang nakita at nayakap ang ina. 

 

Samantala, say naman ni Ate Guy ay nasa lock-in taping siya ng GMA 7 at gumawa lang ng paraan para makausap ang anak. Karay-karay ng Superstar ang ilang personal assistants nang mag-live-guesting siya kay Ian. Look-out ang drama ng kanyang PA para kung sakaling hanapin si Ate Giy sa set ay maabisuhan siya ng mga ito. 

 

Ani Nora kay Ian, pasensiya na lang at nakaw na sandali lang ang usapan nila pero nangako ang aktres na dadayuhin niya ang anak sa kanyang tahanan upang doon ay mahaba silang mag-usap, mag-vlog at mag-bonding kasama ang mga apo. Wally Peralta


  •  
  •  
  •  

Loading...